Bangkay ng lalaking hubo’t hubad lumutang sa ilog

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lala­king hubo’t hubad ang natagpuan kamakalawa na nakalutang sa ilog ng Brgy. Alba, Tago, Surigao del Sur.

Batay sa ulat, bandang alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng hindi pa nakilalang lalaki sa ilog sa naturang lugar na nagsisimula nang maagnas.

Inilarawan ang biktima na nasa 4’5” hanggang 5’0” talampakan ang taas na may krus at wikang Latin na naka-tattoo sa kaniyang dibdib, nakasuot ng gold plated na relo at nakasakbit sa mga kamay ang pares ng tsinelas at nakapulupot rin sa leeg nito ang kaniyang t-shirt.

Nabatid na isang residente na napadako sa ilog ang nakadiskubre sa lumulutang na bangkay na agad naman nitong inireport sa pulisya.

 

 

Show comments