Ika-112 suspek sa Maguindanao massacre tiklo

MANILA, Philippines - Nasakote ng mga otoridad ang ika-112 sa kabuuang 196 na suspek sa Maguindanao massacre noong 2009  sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao  kamakalawa ng hapon na kinilalang si Mama Habib.

Batay sa ulat, bandang alas-3:15 ng hapon nang salakayin ng arresting team ng CIDG–ARMM at Army’s 45th Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army ang pinagtataguan ni Habib sa Brgy. Manungkaling ng nasabing bayan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Jocelyn Solis Reyes ng Quezon City Regional Trial Court kaugnay ng kasong 57 counts ng murder sa karumaldumal na massacre ng 57 katao, 32 rito ay mediamen sa Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009.

 

Show comments