Biyuda pinatay sa unan

MANILA, Philippines -Pinatay sa pamamagitan nang pagtakip ng unan sa mukha ang isang 57-anyos na biyuda na natagpuang nakahandusay sa loob ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Brgy. Kalubkob Silang, Cavite.

Ang biktima ay kinila­lang si Myrna Osias, resi­dente ng Blk. 6, Lot 8, Phase 1, RCD Royale Homes, Brgy. Kalubkob ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, ganap na alas-7:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima ng kaibigang si Analene Dela Carcel sa loob ng bahay nito.

Nasa mukha pa ng biktima ang unan na hinihinalang ginamit ng hindi pa nakilalang suspek sa pagpatay sa una.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagpatay sa biktima.

Show comments