Mister napundi sa text ng misis, nagbigti

MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng pulisya na masyadong napundi ang isang mister sa mga text ng kanyang selosang misis at sa sobrang inis ay nagpasya itong  magpakamatay kahapon ng umaga sa Sta.Mesa, Maynila.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Sta. Ana Hospital ay kinilalang si Jerome Castillo, 23, store helper at stay-in sa no. 2443 Kasilawan, Sta Mesa, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga nang matagpuang nakabigti ang biktima sa kisame ng tindahan ng isang Onasis Panganiban nang subukan niyang buksan ang tindahan dahil tanghali ay sarado pa.

Nabatid na ang misis ng biktima ay nakatira sa Mandaluyong City na madalas umanong mag-away ang dalawa sa text dahil sa pinagdududahan na may ibang babae ang biktima.

 

 

Show comments