Mister namaril nang titigan ang kanyang misis

MANILA, Philippines - Pinaghahanap ng pulisya ang isang lalaking namaril sa loob ng isang bar sa Quezon City na ikinasugat ng malubha ng isang mister matapos makaaway ng suspek ang isang customer sa bar na umano’y malagkit tumitig sa kanyang misis naganap kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang biktima na nasa kritikal ang kalagayan dahil sa tama ng bala sa noo ay kinilalang si James Joven Jollozo, 27, may-asawa, naninirahan sa Navotas Bagong Bayan, Quezon City. 

Pinaghahanap ng pulisya ang suspek na isang alyas Julius na tumakas sakay ng isang puting Nissan na  hindi naplakahan.

Sa inisyal na imbestigasyon na ang alitan ay nagsimula nang titigan umano ng malagkit ng isang John Preysler ang misis ng suspek.

Ikinagalit ito ni Julius kaya’t sinuntok nito si Preysler na lumabas ng bar at humingi ng tulong sa bouncer.

Nang lalapitan na ni Preysler at bouncer ang suspek  ay bumunot ito ng baril ang binaril si Preysler na hindi tinamaan.

Kung kaya’t muling na­maril si Julius na kung saan ang tinamaan ay si Jollozo sa noo.

Isinugod si Jollozo sa  Capitol Medical Center at kasalukuyang nasa kritikal na kalagayan. Nawawala rin ang pitaka at cellphone nito. -Ricky T. Tulipat/Jam Krisette Nuñez (trainee)-

Show comments