Awol na Pulis, kawani ng DOLE dinakip sa robbery

MANILA, Philippines - Kung hindi pa nasita ang dalawang lalaki na kinabibilangan ng isang pulis-Maynila at kawani ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa pagmamaneho ng walang helmet at lisen­siya ay hindi pa madidiskubre na sangkot ang mga ito sa kasong robbery.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina PO1 Reggie Dominguez na sinasabing nakatalaga sa District Headquarters Support Unit (DHSU) ng MPD subalit nag-AWOL noong Mayo 13, 2013 matapos isangkot ng isang Joel Panancio, helper ng SR Fashion na kasabwat sa pagtangay ng P200,000 pera ng kumpanya na pi­nalitaw na hinoldap noong Mayo 15, 2013.

Inaresto rin ang kasama ni PO1 Dominguez sa mo­torsiklo (ZP 2126) Honda Wave  na si Bam-Bam Valbuena, casual employee ng DOLE, na nagsilbing driver na walang lisensiya, helmet at pag-iingat ng di lisen­syadong baril.

Narekober sa dalawa ang isang kalibre 45 baril at kalibre 38 revolver na walang serial number, 5 bala, PNP identification card at iba pang mga ID mula sa Solaire Hotel and Resorts.

Show comments