3 drug pusher itinumba

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang tatlong lalaki na sinasabing nagtu­tulak ng ipinagbabawal na droga sa Brgy. Bonuan Binloc, Dagupan City, ka­makalawa ng gabi.

Ang tatlo ay nakilalang sina Reynaldo Martinez, 47; Mamerto Penuliar Jr., 49, at Napoleon Paraan, 45 na pawang residente ng bayan ng Sta Barbara, Dagupan City.

Ang bangkay ng mga biktima ay narekober ng mga nagrespondeng ope­ratiba ng pulisya na pa­wang tadtad ng mga tama ng bala sa ulo at iba pang bahagi ng kanilang katawan.

Ayon kay Supt. Christopher Abrahano, hepe ng Dagupan City Police, ang mga biktima ay lulan ng tricycle nang sila ay harangin at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek dakong alas-9:00 ng gabi sa Sitio Silungan, Brgy. Bonuan Binloc sa lungsod.

Nakuha sa katawan ng mga biktima ang ilang sachet ng methamphetamine hydrochloride o shabu.

Sinasabing ang tatlong napatay ay kilalala uma­nong nagtutulak ng droga sa Brgy. Bonuan Binloc na matagal ng under surveillance sa mga awtoridad.

Sa inisyal na pagsisiyasat, posible umanong onsehan sa droga ang dahilan ng krimen.

Show comments