Mekaniko, tigok sa hampas ng barko

MANILA, Philippines - Tigok ang isang mekaniko makaraang hampasin ng barko ang sinasak­yang niyang speed boat sa dalampasigan ng Navotas City, kahapon ng umaga.

Binawian ng buhay habang  ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital  sanhi matinding pinsala sa katawan ang biktimang si Joselito Lista, 33, may asawa, ng K-2 top Marine Service Inc, ng 109 CLS Building Dagat Dagatan  Caloocan City.

Base sa imbestigasyon ng Maritime Police, naganap ang insidente  dakong alas-11:00 ng umaga  sa karagatang nasasakupan ng  Navotas.

Nabatid sa mga  sak­sing sina Fraylan Rabe at Rolando Brinez, sakay ng speedboat ang biktima upang pumalaot, pero dahil sa lakas ng alon kaya nahampas ito ng barko na nagresulta ng matinding pagkasugat sa tiyan at katawan.

Agad naman isinugod sa pagamutan ang biktima subalit ilang oras ang makalipas ay nalagutan rin ito ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Show comments