Lalaki na sumaksak sa isang ama, inutas ng 3 mag-utol
Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - June 7, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang 42-anyos na la­laki ang nasawi matapos na siya ay pagtulungang gulpihin at saksakin ng tatlong mag-utol  matapos na saksakin ang kanilang ama dahil lang sa alitan sa sugal na poker naganap kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang nasawi ay nakilalang si Rolly Napay, may-asawa, driver at residente ng no. 32 Urlina St., Brgy. West Fairview sa lungsod.

Ang magkakapatid na suspek ay kinilalang sina Jonel, 32, Jeffrey 24, at Ja­muel Castil, 16.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-6:00 ng gabi sa kanilang lugar sa Urlina St., Brgy. West Fairview ay naglalaro ng poker ang biktima at suspek na si Jonel nang magkaroon ng pagtatalo at hinampas ng huli ang una ng mono block chair.

Nagtatakbo si Jonel at hinabol siya ng saksak ng biktima at dito ay pinagdiskitahang sirain ang screen door ng kanilang bahay.

Nakita naman ng ama ng mga suspek na si Samuel Castil, 56  ang ginawa ng biktima kung kaya’t hinarap niya ito, subalit siya ay sinaksak sa sikmura.

Nakita naman ng magkakapatid ang nangyari sa kanilang tatay, kaya’t hinabol nila ang biktima na kung saan naagaw ni Jonel ang patalim sa biktima at pinagsasaksak niya ito.

Nagawa pang maka­takbo, ang biktima, pero hinabol siya ng mag­ka­ka­patid hanggang sa ma­kor­ner sa harap ng kan­yang bahay at muling pi­nagtulu­ngang gulpihin at pagsasaksakin sa buong katawan.

BRGY JONEL NAKITA QUEZON CITY ROLLY NAPAY SAMUEL CASTIL SHY URLINA ST. WEST FAIRVIEW
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with