14 partylist iprinoklama ng Comelec

MANILA, Philippines - Labing-apat na nanalong partylist groups ang pormal nang iprinoklama kahapon ng umaga ng Commission on Elections (Comelec) sa isinagawang seremonya.

Ang mga ito ay ang Buhay; ATeacher; Bayan Muna; 1Care; Akbayan; Ako Bicol; Abono; OFW Family; Gabriela; COOP NATCCO; AGAP; Cibac; Magdalo at  An Waray na magkakaroon ng tig-isang kinatawan sa Kongreso matapos makakuha ng sapat na boto.

Plano naman ng Comelec na i-anunsiyo sa  susunod na linggo ang 44 pang party-list groups na kukumpleto sa 58 grupo.

Nakabinbin pa rin ang proklamasyon sa mga dinis­kwalipikang grupo na may mataas na nakuhang boto kabilang ang Senior Citizen partylist na pasok sa top 10.

Show comments