Lolo dedo sa polling precinCt

MANILA, Philippines - Isang 70-anyos na lolo ang nasawi nang  dumaing ng paninikip ng dibdib ma­tapos makaboto sa kanyang presinto kahapon ng umaga sa Brgy. Ibaan, San Pascual, Batangas.

Kinilala ni Batangas Pro­vincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Ro­sauro Acio ang nasawing biktima na si Luis Manalo.

Batay sa ulat, bago na­­­tumba ang matanda na du­maing nang paninikip ng dibdib matapos makaboto ay nakipagsiksikan ito upang hanapin ang kaniyang pangalan sa talaan ng mga botante sa polling precints sa kanilang lugar at hapung-hapo na bago naka­boto bunga ng siksikan sa voting center. Nagawa pang maisugod ang matanda sa pagamutan pero idineklara na itong dead-on-arrival.

Show comments