Tserman, pamangkin utas sa ambush

MANILA, Philippines -Namatay noon din ang isang brgy. chairman at pamangkin nitong lalaki matapos na pagbabarilin  ng mga armadong kalalakihan sa naganap na ambush sa Brgy. Mahayahay, Kumalarang, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Alejandro Alijay, brgy. chairman at pamangkin nitong si Samuel Gimena na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon ay sakay ang magtiyuhin ng isang motorsiklo at bina­baybay ang kahabaan ng Purok 3, Brgy. Mahayahay, Kumalarang ng lalawigan nang sila ay harangin ng mga suspek na nakamotorsiklo rin at pagbabarilin.

Nang matiyak na patay na ang mga biktima ay mabilis na tumakas ang mga ito.

Show comments