Magkaibigan itinumba

MANILA, Philippines - Isang magkaibigan ang kapwa nasawi matapos na pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Parola Compound, Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Ernie Fernandez, 25, pedicab driver habang ang kaibigan nito ay hindi na uma­bot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Me­morial Medical Center Hospital (GABMMC) ay si Cesar Gating, 33, vendor, ng Gate 54, Area C, Parola Compound dahil sa mga tama ng bala.

Batay sa ulat, alas -6:30 ng gabi nang puntahan ni Ernie ang bahay ng kaibigang si Gating sa nasabing lugar at ilang sandali ay si­nugod umano sila ng mga hindi pa kilalang suspek at pinagbabaril.

Nakuha sa lugar ng pi­nangyarihan ang 2 basyo ng kalibre .45 at 10 basyo ng 9 mm na hinihinalang ginamit sa dalawang biktima.

Malaki ang hinala ng pulisya na may kaugnayan sa droga ang pagpatay dahil sa kilala ang lugar sa talamak na ben­tahan ng shabu.

Show comments