Mister tigok sa heat stroke

MANILA, Philippines - Bunsod ng mainit na panahon kaya pinalala­gay na “heat stroke”  ang ikinamatay ng  isang mis­ter na taga-Tondo, May­nila makaraang bigla na lamang bumulagta habang naglalakad sa Mandaluyong City kahapon ng umaga.

Nakilala sa pamama­gitan ng nakuhang lisensya sa pitaka nito ang bik­tima na si Jose Arnaldo Grijaldo, 42, ng Area D Parola, Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Mandalu­yong City Police, dakong alas-7:00 ng umaga nang biglang bumagsak si Grijaldo habang naglalakad sa bangketa sa northbound lane ng EDSA-Re­liance. 

Wala naman itong anu­mang sugat o pinsala sa katawan nang matagpuan ng mga barangay tanod.

Mabilis namang nires­pondehan ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Rescue Unit ang biktima at isinugod pa sa Dr. Victor Potenciano Hospital pero hindi na uma­bot ng buhay.

 

Show comments