Anak ginulpi ng ama dahil sa kabit

MANILA, Philippines - Ginulpi  ang isang 18-anyos na binata ng sariling ama matapos itong magalit sa ginawang pagsita ng una sa kasamang babae na umano ay kalaguyo nito kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang biktima na nag­ta­mo ng mga pasa sa ka­tawan ay nakilalang si Ledzel Gaa, ng Lerio St., Camarin D., ng naturang lungsod.

Ang suspek na ama nito ay kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya ay nakilalang si Zoilo Gaa, 37, na ki­nasuhan ng physical in­juries, illegal posses­sion of deadly wea­pon at paglabag sa om­nibus election code.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi ha­bang nakatambay ang biktima sa nasabing lugar ay nakita nito ang ama na kasama ang umano’y kalaguyo nito na si alyas Tin-Tin.

Kinompronta ng biktima si Tin-Tin hang­gang sa magkasa­gu­tan na nauwi sa mainitang pagtatalo dahilan para saktan ng suspek ang anak na natigil lang nang mag­datingan ang mga tanod.

Nakuhanan ng mga tanod ang suspek ng patalim dahilan para ito ay dalhin sa presinto.

 

Show comments