19 sugatan sa banggaan ng jeep at van

MANILA, Philippines - Labingsiyam na katao ang  nasugatan kabilang ang dalawang nasa kritikal na kondisyon makaraang aksidenteng magsalpukan ang isang pampasaherong jeepney sa kasalubong nitong van sa kahabaan ng highway ng Brgy. Bauingin-Lanot, Alimodian, Iloilo kamakalawa ng alas- 4:00 ng hapon.

Batay sa ulat, kasalukuyang bumabagtas ang pampasaherong jeepney (PUJ (FWD 476) at PUV Foton van (FWY 367) patungong Leon, Iloilo nang aksidenteng magbanggaan ang mga ito.

Sa lakas ng pagkakabangga 19 katao ang nasu­gatan kabilang ang 13 pa­sahero ng van at driver nito habang sa pampasaherong jeepney ay limang pasahero kung saan dalawa rito ay nasa kritikal na kondisyon.

Nabatid sa imbestigasyon na mabilis umano ang takbo ng isa sa mga behikulo na nagbunsod sa trahedya.

Show comments