Upang makaiwas sa illegal recruiter….. PEOS seminar ginanap sa Caloocan

MANILA, Philippines -Nagsagawa ng Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) ang lokal na pamahalaan ng Caloocan City na layu­ning maturuan ang mga residente kung paano makaiiwas sa mga illegal recruiters ang mga nagpa­planong magtrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay Calo­ocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, sa pa­mamagitan ng PEOS ay mababawasan na ang mga kababayan nating mabibiktima ng mga illegal­ recruiters na umiikot sa iba’t ibang lugar.

 Ginanap ang PEOS nitong nakalipas na February 8, 9 at 10 sa Bulwagang Katipunan na matatagpuan sa city hall main kung saan ay dinaluhan ito ng mga barangay captains, kagawad at iba pang organisasyon.

Kasabay nito, ini­lunsad din ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa naturang seminar ang programa nitong Anti-Illegal Recruitment (AIR) information dissemi­nation.

Show comments