Trike driver pinatay ng pasahero

MANILA, Philippines - Isang tricycle driver na biktima ng salvage ang natagpuang nakabulagta sa damuhan sa boundary ng Brgy. San Miguel 1 at, Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite.

Ang biktima ay nakilalang si Arnel Zamora, na nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo at residente ng lugar ay natagpuan dakong alas-6:30 ng umaga.

Nabatid sa pulisya na huling nakitang buhay ang biktima bandang alas 8:45 ng gabi kamakalawa sa terminal ng SMM4 Toda na minamaneho ang isang tricycle Honda TMX155 na may plakang 7346-WQ.

Nakapagsakay ang biktima sa terminal ng isang pasaherong babae at nagpapahatid ito sa papuntang Barangay Pasong Buaya at simula noon ay hindi na umano ito nakabalik pa sa nasabing pilahan.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin narerekober ang tricycle ng biktima na pinaniniwalaang tinangay ng suspek.

 

Show comments