Patay kay Pablo umabot na sa 714

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagtaas ng bilang ng nasasawi sa bagyong Pablo na kung saan kahapon ay nasa 714 na habang 890 pa ang patuloy na pinaghahanap partikular na sa Compostela Valley at Davao Oriental.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos na sa bilang ng 714 nasawi ay 457 na ang nakilala ha­bang nasa 257 naman ang hindi pa rin batid ang pagkakakilanlan at hindi pa nakukuha ng kanilang mga kamag-anak.

Pinakamarami ang naitalang nasawi mula sa Region 11 partikular na sa Davao Oriental at Compostela Valley na tumaas sa 663.

Show comments