2 ‘Waray-Waray’ holdup gang napatay

MANILA, Philippines - Napatay ng mga otoridad ang dalawang lalaki na pinaghihinalaang miyembro ng Waray-Waray robbery/holdup gang na nag-ooperate sa Central Luzon nang makaengkuwentro ang mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Region 3 sa San Fernando, Pampanga kahapon ng umaga.

Ang mga nasawing suspek ay kinilalang sina Reynan ‘Bordado’ Delfino at isang alyas Puti; Batay sa ulat, bandang alas-10:00 ng umaga nang makasagupa ng PNP-CIDG at San Fernando Police ang mga suspek sa kahabaan ng national highway, Brgy. Balite, San Fernando ng lalawigan. Narekober naman sa crime scene ang dalawang cal .45 pistol ng mga suspek sa shootout, tatlong magazine para sa cal. 45 at isang kulay itim na motorsiklong PMX.

Show comments