LGU naalarma sa mga ilegal na minero sa Tampakan

MANILA, Philippines - Isang lokal na opis­yal ng Hagonoy, Davao del Sur ang labis na na­babahala dahil sa pag­pasok ng ilegal na small-scale miners sa malawak na Tampakan mine site sa hanggahan ng South Cotabato at Davao del Sur.

Ayon kay Konsehal Dante Aznar, isang ma­laking banta ang ma­ka­lu­ma at hindi napapa­ma­halaang ilegal na small-scale mining na “wawa­sak sa kanilang mga kabundukan” at nagiging realidad ito sa pa­tuloy na pagkabalam sa operasyon ng panukalang Tampakan mine project.

“Kapag hindi binigyan ng permiso ang SMI (Sagittarius Mines, Inc.) na makapag-operate, tiyak na papasukin at wa­lang habas na magmimina ang small-scale miners sa kabundukan,” ani Aznar.

Ang SMI ang kinontrata ng gobyerno sa panukalang $5.9 bilyong Tampakan copper-gold mine na naantala ang operasyon matapos magpasa ng ordinansang Environment Code ang South Cotabato provincial government na nagbabawal sa open-pit mining sa lalawigan.

May ulat kamakailan na biglang tumaas ang antas ng asoge o mercury sa Pulabato river sa South Cotabato at sinisisi ng mga otoridad roon ang mga ilegal na nagmimina sa kabundukan.

 

Show comments