Cone focus muna sa Gilas

MANILA, Philippines — Tsaka na iisipin ni Tim Cone ang Barangay Ginebra at ang natenggang PBA Season 50 Governors’ Cup semifinals pagkatapos ng mas mahalagang misyon para sa Gilas Pilipinas sa krusyal na Window 5 ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

“Right now, I’ve got to change my hat from Ginebra to Gilas,” ani Cone bago ang nakatakdang paglipad ng Gilas sa Sabado sa Seremban, Malaysia.

“I’m not going to focus on that one (TNT) right now. I’ve got Gilas duties coming up first. All the other teams have all the time to rest and prepare, and were not gonna have that opportunity with Ginebra, not at least with a full team.”

Bukod kasi kay Cone, kasama si assistant coach Richard del Rosario at ibang team Ginebra staff sa Gilas pati na ang player na si Scottie Thompson kaya wala pa sa isip ang semis kontra sa karibal at reigning champion na Talk ‘N Text.

Ipinagpaliban ng PBA ang Final Four sa Disyembre 4 kahit pa natapos na agad ang quarterfinals sa simula nitong buwan upang magbigay ng buong suporta sa kampanya ng Gilas sa Nobyembre 27 hanggang 29 sa Malaysia.

Makakatapat ng Gilas ang Syria sa Nob­yembre 27 at Iran sa Nobyembre 29 para sa 2 kinailangang panalo sa Group E.

Sa ngayon kasi ay nasa ika-5 puwesto ng grupo ang Nationals hawak ang 4-4 kartada at kailangang makapasok sa Top 3 na siya lang mabibigyan ng tiket sa 2027 World Cup sa Qatar pati na ang best-4th placed team kasama ang Group F.

At wa­lang ibang iniisip si Cone kundi ang natu­rang misyon lalo’t sa Dis­yembre 1 pa siya babalik sa kampo ng Gin Kings.

Show comments