^

PM Sports

Stage 3 kay Cajucom

Russell Cadayona - Pang-masa
Stage 3 kay Cajucom
Si Ean Cajucom ang Stage 3 winner papasok sa finish line ng MPTC Tour of Luzon.
Jesse Bustos

Tour of Luzon: ‘great revival’

SAN JUAN, La Union , Philippines —  Umalpas si Ean Cajucom ng Victoria Sports Cycling Team sa isang mass finish para pagharian ang 135-kilometer Stage 3 ng 2025 MPTC Tour of Luzon na pinakawalan sa Capitol Quezon Avenue sa Vigan, Ilocos Sur at nagtapos dito sa San Juan Municipal Hall kahapon.

Nagrehistro ang 22-anyos na si Cajucom ng bilis na dalawang oras, 51 minuto at 42 segundo para angkinin ang una niyang stage win na nagkakahalaga ng P10,000.

“Bale sprint lang po nangyari eh. Nagkaroon ng break, tapos nandoon iyong tao namin at nagkaroon ako ng tsansa,” sabi ni Cajucom na nangarap maging isang astronaut bago maging isang full-time cyclist.

Tinalo ni Cajucom sa finish line sina Ahmad Syazrin Awang Ilah ng Malaysia Pro Cycling Team at Poul Aquino ng Dreyna Orion Cement sa magkakatulad nilang oras.

“Sprinter po ako ng team. Bale ako iyong nagse-save ng energy para sa mga flat stages para may mabigay akong power sa last kilometer,” dagdag ng tubong Marikina City.

May parehong tiyempo rin sina Stage 1 winner Joo Dae Yeong ng Gapyeong Cycling Team, Ronald Oranza ng Standard Insu­rance Philippines at Aidan James Mendoza ng Go For Gold.

Dahil dito ay napanatili ni Joo ang pagsuot sa yellow jersey sa pagpedal ng 168.76-km Stage 4 ngayong umaga na magsisimula sa Eagle of the North sa Agoo, La Union at magtatapos sa Filinvest Mimosa Acacia Drive sa Clark, Pampanga.

Kumolekta ang 29-an­yos na South Korean rider ng accumulated time na 7:04:27 kasunod si Oranza na apat na minuto at 32 segundo ang layo at Mendoza na apat na minuto at 40 segundo ang agwat.

Samantala, bumandera ang Malaysia Pro Cycling sa team classification sa kanilang inilistang 11:26:48 kasunod ang Excellent Noodles Cycling Team, Exodus Army, Dreyna at Go For Gold.

CAJUCOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with