2-0 lead kinuha ng New York sa Indiana

NEW YORK — Umiskor si Jalen Brunson ng 24 sa kanyang 29 points sa second half para gabayan ang Knicks sa 130-121 paggupo sa Indiana Pa­cers sa Game Two at kunin ang 2-0 lead sa kanilang E­astern Conference semifinals.

Nagdagdag si OG A­nunoby ng career playoff-high 28 points para sa New York bago mawala sa third quarter bunga ng left hamstring injury.

Kumamada si Donte DiVincenzo ng 28 points at humakot si Josh Hart ng 19 points, 15 rebounds at 7 assists.

Pinamunuan ni Tyrese Haliburton ang Indiana sa kanyang 34 points, 9 assists at 6 rebounds habang may 20 markers si Obi Toppin.

Nagkaroon si Brunson ng right foot injury sa first half at hindi inaasahang babalik sa second half para muling tulungan ang Knicks na talunin ang Pa­cers sa ikalawang sunod na pagkakataon.

“There was no doubt in my mind that he’ll be back. All season long, no matter what is thrown at him, injury bug or whatever, he always bounces back. And we knew the severity of the game and everything, so we knew, everybody had confidence he was coming back,” wika ni DiVincenzo kay Brunson.

Ang Indiana ang mamamahala sa Games Three at Four.

Kinuha ng Indiana ang 73-63 bentahe sa halftime hanggang bumalik si Brunson para ibigay sa New York ang 84-79 kalamangan.

Show comments