Tigresses dumikit sa bonus

MANILA, Philippines — Lumakas ang tsansa ng University of Santo Tomas Golden Tigresses sa asam nilang twice-to-beat incentives matapos nilang payukuin ang laglag ng University of the East Lady Warriors, 25-19, 25-9, 25-17 sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament na nilaro sa Smart Araneta Coliseum kahapon.

Nakatitiyak na ang Golden Tigresses ng playoffs para sa bonus na ibibigay sa top two teams pagkatapos ng 14-game elimination round.

Nakabangon ang UST mula sa pagkakadapa no­ong nakaraan kontra Far Eastern University Lady Tamaraws sa limang sets noong April 13 (9-25, 25-19, 21-25, 25-20, 10-15), kasalo ng Golden Tigres­ses ang last year’s runner up National University Lady Bulldogs sa top spot na may tig-11-2 records.

Matapos angkinin ang panalo sa first set, mas dinomina ng Golden Tigresses ang laban sa se­cond set nang makalamang sila ng 15 points 22-7 mula sa magandang opensa ni Angge Poyos.

Kumana si Poyos ng 25 points para sa UST.

Umiskor naman si KC Cepada ng siyam na puntos para sa Lady Warriors na nalasap ang pang 11 talo sa 13 laro, tumipa din si Casiey Dongallo ng pitong puntos.

Nasa pangatlo sa team standings ang defending champions De La Salle University na may 10-2 record, kasalukuyang nakikipagpaluan sila ng bola kontra Ateneo habang sinusulat ito.

Show comments