Kings tinalo ang Bucks matapos ang 8 taon

SACRAMENTO, Calif. — Humataw si star guard De’Aaron Fox ng 29 points para pangunahan ang Kings sa 129-94 pagbugbog sa Milwaukee Bucks.

Ito ang unang panalo ng Sacramento (37-27) kontra sa Milwaukee (42-24) matapos ang walong taon o sapul noong Peb­rero 1, 2016.

Humakot si Domantas Sabonis ng 22 points at 11 rebounds para sa kanyang ika-47 sunod na double-double na isang Kings single-season record na unang itinala ni Jerry Lucas noong 1967-68.

Nag-ambag si Malik Monk ng 25 points mula sa bench.

Kumolekta si Giannis Antetokounmpo ng 30 points at 13 rebounds sa pa­nig ng Bucks.

Inilista ng Sacramento ang 75-56 halftime lead at hindi na nilingon pa ang Milwaukee.

Sa Salt Lake City, bu­mira si Jayson Tatum ng 38 points at may 24 mar­kers si Derrick White sa 123-107 paggiba ng Bos­ton Celtics (51-14) sa Utah Jazz (28-37).

Sa Los Angeles, ku­ma­mada si Anthony Ed­wards ng 37 points, habang umiskor si Nic­keil Alexander-Walker ng season-high 28 markers sa 118-100 demolisyon ng Minnesota Timberwolves (45-21) sa Clippers (41-23).

Sa San Antonio, ku­ma­­labit si guard Fred VanVleet ng 21 points sa 103-101 pagtakas ng Houston Rockets (30-35) sa Spurs (14-52).

Sa Oklahoma City, nag­poste si Myles Turner ng 24 points, habang nagtala si Tyrese Haliburton ng 18 points at 12 assists sa 121-111 panalo ng In­diana Pacers (37-29) sa Thunder (45-20).

Show comments