Bolts kinapos sa Bossing

Tinirahan ni James Yap ng Blackwater si Allein Maliksi ng Meralco.
PBA Image

MANILA, Philippines — Nagpakitang-gilas agad ang bagong alas na si Rey Nambatac matapos buhatin sa pambihirang 96-93 silat na tagumpay ang Blackwater kontra sa Meralco sa 2024 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Kumamada ng 27 puntos si Nambatac kabilang na ang huling 4 puntos ng Bossing upang maapula ang comeback ng Bolts tungo sa 1-0 kartada sa kanilang bagong era.

Umalalay kay Nambatac ang kapitang si Troy Rosario na may 15 puntos at 4 rebounds habang may 11 at 10 puntos sina Rey Suerte at Tyrus Hill, ayon sa pagkakasunod.

Maging ang bagong player na si James Yap, na nakuha ng Blackwater sa free agency, ay nag-ambag ng 5 puntos.

“What do I like is e­ve­rything about him. We’re excited for him. We understand that it’s just Day 1 so we’re happy with the win but we’re humble about it. One thing that we know moving forward is this guy can only get better,” ani head coach Jeff Cariaso.

 Nagdagdag ng career-high na 10 assists at 5 rebounds si Nambatac para sa magarbong panimula sa Bossing matapos ma-trade mula sa long-time na Rain or Shine na siyang pumili sa kanya bilang 7th overall pick noong 2017 kapalit ang future first round draft pick.  

Show comments