MANILA, Philippines — Pang-pro na ang laro ni reigning UAAP MVP Kevin Quiambao.
Ito ang paniniwala ni Gilas Pilipinas standout Kai Sotto sa katropa nitong si Quiambao.
Nakita ni Sotto ang paglalaro ni Quiambao kung saan lutang na lutang ang malaking improvement sa kanyang laro.
Kaya naman kaliwa’t kanan ang offers na natatanggap ni Quiambao upang maglaro sa professinal leagues sa iba’t ibang bansa.
Napaulat pang nais itong kunin ng United Arab Emirates bilang naturalized player sa mga international tournaments.
Nakasama ni Sotto si Quiambao sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna habang naghahanda ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup Qualifiers.
“KQ probably is the most quiet guy on the team. I tried to talk to him, and he reached out and told me about his plans,” ani Sotto.
Ikinuwento ni Quiambao kay Sotto ang mga offers sa kanya.
Ilan dito ay natanggap na rin ni Sotto kaya’t nagbigay ito ng advice kay Quiambao.
“I already experienced some of the options that he was telling me and I gave him my opinion,” ani Sotto.
Hindi na idinetalye pa ni Sotto ang mga payo nito kay Quiambao.