Capital, Farm Fresh target ang 1st win

MANILA, Philippines — Mag-uunahan ang baguhang Capital1 Solar Energy at Farm Fresh na makasampa sa win column sa kanilang banggaan sa 2024 PVL All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ngayong alas-4 ng hapon maghaharap ang Solar Spikers at Foxies kasunod ang salpukan ng nagdedepensang Creamline Cool Smashers at Akari Chargers sa alas-6 ng gabi.

Magkasosyo sa liderato ang PLDT Home Fibr, Chery Tiggo at Choco Mucho sa magkatulad nilang 2-0 record kasunod ang Creamline (1-0), Cignal HD (1-0), Petro Gazz (1-1), Capital1 (0-1), Akari (0-1), Galeries Tower (0-1), Strong Group Athletics (0-2) at Nxled (0-2).

Nagmula ang Solar Spikers sa 6-25, 15-25, 15-25 kabiguan sa Crossovers sa pagbubukas ng torneo.

“Nagkulang lang sila ng kaunting passion. Parang namalahibo, parang first-game jitters pero dapat iyan pang-first year lang,” sabi ni coach Roger Gorayeb sa kanyang tropa.

Show comments