Solong liderato tangka ng Mapua

MANILA, Philippines — Nang malasap ng Mapua University ang kanilang unang kabiguan sa NCAA Season 99 juniors basketball tournament sa mga kamay ng nagdedepensang Letran noong nakaraang Biyernes ay nagkaroon sila ng kasunduan.

“Noong napagkasunduan nila na kapag natalo kami, magpapakalbo kaming lahat. Noong natalo kami sa Letran, may isang salita sila,” sabi ni coach Yong Garcia.

Nagpakalbo ang Red Robins na nagresulta sa kanilang 72-71 pagtakas sa University of Perpetual Help Junior Altas noong Linggo.

Ang panalo ng Mapua at Letran at kabiguan ng Perpetual ang nagresulta sa kanilang three-way tie para sa liderato.

Haharapin ng Red Robins ang Lyceum Junior Pirates ngayong alas-4:30 ng hapon matapos ang upakan ng Junior Altas at Jose Rizal Light Bombers sa ala-2:30 ng hapon sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan City.

Sa unang laro sa alas-8 ng umaga ay magtatagpo ang San Sebastian Staglets at St. Benilde Junior Bla­zers kasunod ang laro ng Squires at Arellano Braves sa alas-10 ng umaga at ang bakbakan ng San Beda Red Cubs at Emilio Aguinaldo College Brigadiers sa alas-12 ng tanghali.

Show comments