^

PM Sports

Gilas tough challenge

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Siyam na araw na lang at sisikad na ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa ilalim ni coach Tim Cone sa FIBA Asia Cup qualifiers.

Limitadong preparasyon at ang paglalaro sa iba­yong bansa ang kasama sa pagsubok nina Cone at ng kanyang tropa sa kanilang kickoff game kontra Hong Kong sa Tsuen Wan Stadium sa dating British Colony sa Pebruary 22.

Three days later, haharapin naman nina Justin Brownlee at teammates ang Chinese Taipei sa PhilSports Arena sa Pasig.

Pang-apat na koponan sa Group B ang New Zealand. Maglalaban-laban ang mga koponan na ito sa home-and-away format.

Sa anim na laro, kailangan ng Gilas ang Top 2 fi­nish para sa automatic spot sa FIBA Asia Cup proper sa Jeddah, Saudi Arabia sa 2025. Kung kulelat, awtoma­tikong laglag. At kung pangatlo, dadaan sila sa isa pang qualifying phase.

Matapos tuldukan ang long drought sa Asian Games sa Hangzhou, China last year, kaparehong mithiin ang habol ng Gilas sa Asia Cup.

Panahon pa nina Samboy Lim at Allan Caidic noong 1986 huling nagkampeon ang Team Phl sa tournament na da­ting kilala sa katawagang Asian Basketball Confe­deration Championship.

Huling nakatungtong ang Team Phl sa finale noong 2013 sa Manila at 2015 sa Changsha, China.

Matapos yon, lalong bumigat ang Asia Cup dahil sa pagpasok ng Australia at New Zealand.

Dominante ang Australia na kampeon noong 2017 at 2022. At walang dudang team to beat sila sa 2025 sa Jeddah.

Humaharap sa mabigat na hamon ang Gilas.

vuukle comment

FIBA ASIA CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with