^

PM Sports

Serye uminit

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Gaya ng inaasahan ng marami, labanang opensa kontra depensa ang San Miguel Beer-Magnolia title series.

Sa Beermen ang unang dalawang laro kung saan umiskor sila ng lagpas 100 points. At sa Hotshots ang huling laban kung saan nilimitahan nila ang kanilang kalaban sa 80.

Ang basa ni Magnolia coach Chito Victolero, naibalik nila ang kanilang energy at defensive mind scheme dahil sa dalawang araw na pahinga noong Lunes at Martes.

At ang plano nila kahapon eh light activity lang. Rest and recover ang target upang makabalik sa Game 4 na kayang ipagpatuloy ang press defense, hustle at todo tulak ng bola sa opensa.

Hindi nakasabay ang San Miguel sa up-tempo pace at natalo ng 15 points sa fastbreak tungo sa tuluyang pagtupi, 88-80, noong Game 3.

Kaya naman balik ang Magnolia sa serye at naiwasan ang pagkabaon sa 0-3 hole.

At nagbabanta silang ulitin ang mahirap na bagay na tatlong beses na nilang ginawa – ang pagkuha ng best-of-seven series galing sa 0-2 dis­advantage.

***

Kasagsagan ng Game 3 sa Smart Araneta Coliseum nang dumating ang sangkaterbang special tikoy ni veteran sports photographer Tony Lu.

Madalang nang bumisita si Tony sa games, pero hindi niya palalagpasin na hindi niya maipagpatuloy ang kanyang magandang gawi na pagpapasaya ng mga kaibigan pagsapit ng Chinese New Year.

Mabuhay ka Tony Lu!

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with