^

PM Sports

Opensa kontra depensa

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Walang pahinga, diretso na agad ang San Miguel Beer at Magnolia sa kanilang best-of-seven title showdown na magsisimula ngayong gabi sa MOA Arena.

Hindi nauga ang playoff seedings at maghaharap ang top seed kontra second seed.

 Sa istilo ng laro, ang title duel eh, nakikitang bakbakan ng opensa kontra depensa.

Nanguna sa elims ang Magnolia na nanalasa dala ang kanilang defensive hustles.

No. 1 defensive team sila na nagbigay lamang ng average na 88.5 points sa mga kalaban.

No. 2 offensive team naman ang San Miguel na tumikada ng 107.6 points per game.

 Sa kanilang salpukan noong elims, wagi ang Mag­nolia, 94-90, matapos limitahan ang San Miguel sa kanilang conference low.

‘Yun nga lamang, nagpapagaling pa ng injury si June Mar Fajardo noon. At hindi pa rin dumarating noon si Bennie Boatwright para palitan sa Ivan Aska.

 Kaya’t hindi puwedeng gamiting basehan ang resulta ng kanilang pre­vious face-off.

Maigigiya na kaya muli ni coach Chito Vic­to­lero ang Magnolia sa kampeonato?

O dadalhin ni coach Jorge Gallent ang SMB sa rurok ng tagumpay sa kanyang ikalawang conference bilang head coach sa PBA.

Duwelo ito ng dalawang coaches na teammates noon sa kanilang Stag Pale Pilsen playing years sa PBL.

Datos: Ms. Vangie Camposano, ipinarara­ting ng iyong mga kaibi­gan na parating sila sa iyong opisina bukas, ready makisalo sa iyong masaganang pa-birthday! Ibalot mo na lang ang para sa akin!

vuukle comment

SAN MIGUEL BEER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with