Northport, NLEX reresbak

MANILA, Philippines — Matamis na higanti ang tangka ng NorthPort at NLEX habang balak makapagbuhol ng winning streak ng Terrafirma at Talk ‘N Text sa kanilang mga banggaan sa pagpapatuloy ng 2023 PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Unang sasalang ang Dyip (2-1) at Tropang Giga (1-1) sa alas-4 ng hapon ng double header bago ang salpukan ng Batang Pier (2-1) at Road Warriors (1-2) sa alas-8 ng gabi.

Kagagaling lang ng Terrafirma sa 113-112  pananaig kontra sa NLEX para sa ikalawang tagum­pay nila habang ang TNT naman ay umeskapo kontra sa Converge para sa u­nang panalo na nais nilang sundan ngayon.

Subalit ang atensyon ay nasa NLEX muna nga­yon na paparada sa laban na wala ang ace guard na si Kevin Alas matapos magtamo ng panibagong ACL injury sa laban nila kontra sa Terrafirma.

“Third ACL injury. My knee may be hurting but my spirit is not broken because I have Jesus Christ in my life,” ani Alas sa kanyang social media post matapos ang operasyon.

Bagama’t wala si Alas, determinado ang NLEX na makabawi sa pangunguna ng pambatong import na si Thomas Robinson kasama sina Don Trollano, Sean Anthony, Kris Rosales at rookie na si Richie Rodger.

Haharang sa kanilang daan ang gutom ding Batang Pier matapos ang 112-74 kabiguan kontra sa wala pang galos na Magnolia.

Show comments