JRU binomba ang Letran

MANILA, Philippines — Pinaganda ng Jose Rizal University ang kanilang estado matapos takasan ang sibak nang ‘three-peat’ champions Letran College, 79-74, sa NCAA Season 99 men’s basketball tourna­mernt kahapon sa Filoil Centre sa San Juan City.

Kumamada si Agem Miranda ng 17 points para tulu­ngan ang Heavy Bombers na maitayo ang 9-6 record at patibayin ang pag-asa sa Final Four.

Nanalo ang Kalentong-based dribblers bagama’t wala si coach Louie Gonza­les na isinilbi ang one-game suspension matapos mapatalsik sa nakaraan nilang la­ban ng College of St. Benilde Blazers.

Nalasap naman ng Knights ang ika-14 kabiguan sa 15 laban.

Kinuha ng Jose Rizal ang 60-51 abante sa third period bago nakadikit ang Letran sa 74-75 sa likod ni Vince Cuajao.

Samantala, pinataob ng Emilio Aguinaldo College ang talsik nang Arellano University, 77-64, para pati­bayin ang pag-asa sa Final Four.

Kumabig si King Gurtiza ng 23 points para ibigay sa Generals ang 8-7 baraha.

Bumagsak ang Chiefs sa 2-12 marka.

Show comments