JRU may pakay kontra SSC-R

MANILA, Philippines — Ang pagbalikwas sa kabiguan para masolo ang ikaapat na puwesto ang layunin ng Jose Rizal University sa pagsagupa sa San Sebastian College-Recoletos sa second round ng NCAA Season 99 men’s basketball tournament.

Lalabanan ng Heavy Bombers ang Stags nga­yong alas-4 ng hapon matapos ang bakbakan ng San Beda Red Lions at Arellano Chiefs sa alas-2 ng hapon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Bitbit ng Mapua ang solong liderato sa kanilang 8-2 record kasunod ang San Beda (7-2), Lyceum (7-3), Jose Rizal (6-4), Emilio Aguinaldo College (6-4), College of St. Benilde (6-4), University of Perpetual Help System DALTA (4-6), San Sebastian (3-7), Arellano (1-8) at ‘three-peat’ champions Letran (1-9).

Samantala, hangad ng Red Lions na makisosyo sa Cardinals sa ibabaw ng team standings sa pagharap sa Chiefs.

Show comments