JRU umeskapo sa Lyceum sa 2OT

Pinatumba ng Jose Rizal University ang Lyceum of the Philippines University via double overtime, 88-87, sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Centre sa San Juan City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patuloy ang paglubog ng barko ng mga Pirates.

Pinatumba ng Jose Rizal University ang Lyceum of the Philippines University via double overtime, 88-87, sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Centre sa San Juan City.

Tinapos ng Heavy Bombers ang dalawang dikit na kabiguan para sa 5-3 kartada, habang laglag ang Pirates sa ikatlong sunod na kamalasan matapos ang 6-0 panimula.

Ang banked shot ni Jonathan Medina sa natitirang 8.2 segundo ang nagbigay sa Jose Rizal ng 88-87 abante sa second overtime kasundo ang mintis na drive ni John Barba sa huling posesyon ng Lyceum.

Sa inisyal na laro, kumolekta si Fil-Canadian forward Jomel Puno ng 12 points at 17 rebounds para tulungan ang San Beda University sa 62-60 pagtakas sa University of Perpetual Help System Dalta.

Ito ang ikalawang dikit na panalo ng Red Lions para sa kanilang 5-2 baraha, habang nadiskaril ang hangad na ikatlong dikit na ratsada ng Altas para sa 3-5 marka.

Show comments