Denver coach nag-aalala sa Game 3

MIAMI — Nalasap ng Denver Nuggets ang una nilang home loss sa Game Two ng NBA Finals at kauna-unahan sa 10 home playoff games ngayong taon.

Kaya naman nag-aalala si coach Michael Malone sa pagsagupa ng kanyang Nuggets sa Heat sa Game Three bukas ng umaga (Manila time).

“I mean, this is the NBA Finals and we’re talking about effort. That’s a huge concern of mine,” ani Malone matapos ang 111-108 panalo ng Miami sa Denver sa Game Two.

“You guys probably thought I was just making up some storyline after Game 1 when I said we didn’t play well. We didn’t play well. ... This is not the preseason. This is not the regular season. This is the NBA Finals,” dagdag pa ni Malone.

Itinabla ng Miami sa 1-1 ang kanilang best-of-seven championship series ng Denver.

Sa nasabing kabiguan ng Nuggets ay umiskor si Nikola Jokic ng 41 points habang nag-ambag si Jamal Murray ng 18 points at 10 assists.

Bigo si Murray na ma­ipasok ang kanyang tangkang three-point shot sa pagtunog ng final buzzer.

“We had a lot of miscommunication and misunderstanding,” obserbas­yon ng two-time NBA MVP na si Jokic.

Bumangon ang Heat mula sa 15-point deficit sa second quarter at buhat sa eight-point hole sa pagsisimula ng fourth period para itabla ang serye.

“They just played hard, and like I said, it was more discipline,” sabi ni Murray na bumida sa kanilang 104-93 panalo sa Game One.

Binago rin ng Miami ang kanilang starting lineup kung saan ipinasok si Kevin Love para depensahan si Aaron Gordon habang hinugot mula sa bench si Caleb Martin na hindi nakapag-ensayo dahil sa lagnat.

Show comments