Nets giba sa triple-double ni Jokic
NEW YORK — Nagposte si Nikola Jokic ng 22 points, 17 rebounds at 10 assists para sa kanyang ika-28 triple-double sa season at banderahan ang Denver Nuggets sa 108-102 panalo sa Brooklyn Nets.
Umiskor si Michael Porter Jr. ng 28 points para sa Denver (48-24) na nakahugot kay Jamal Murray ng 25 markers.
Kumonekta naman si Mikal Bridges ng 23 points kasunod ang 19 markers ni Nic Claxton para sa Brooklyn (39-32) na nahulog sa kanilang ikatlong sunod na kamalasan.
Naisuko ng Nuggets ang hawak na 20-point lead sa third quarter matapos makalapit ang Nets sa 93-100 sa huling 3:44 minuto ng fourth period.
Ang triple ni Porter ang muling nagtayo sa Denver ng 14-point advantage para selyuhan ang panalo sa Brooklyn.
Sa Oklahoma City, nagsalpak si Shai Gilgeous-Alexander ng dalawang free throws sa huling 10 segundo at tumapos na may 40 points sa 124-120 pagdaig ng Thunder (35-36) sa Phoenix Suns (38-33).
Sa San Antonio, tumipa sina Keldon Johnson at Devin Vassell ng tig-29 points sa 126-118 paggiba ng Spurs (19-52) sa Atlanta Hawks (35-36).
Sa Houston, may tig-26 points sina Brandon Ingram at CJ McCollum sa 117-107 pagwawagi ng New Orleans Pelicans (34-37) sa Rockets (18-53).
- Latest