^

PM Sports

Doncic mainit ang pagbabalik sa Mavs

Pang-masa
Doncic mainit ang pagbabalik sa Mavs
Nakipag-unahan si Mavs star Luka Doncic kay Bojan Bogdanovic ng Pistons sa rebounds.

DALLAS — Humataw si Luka Doncic ng 53 puntos sa kanyang pagbabalik sa lineup para akbayan ang Mavericks sa 111-105 panalo laban sa Detroit Pistons sa 2022-2023 NBA regular season.

Sumuporta si Spencer Dinwiddie na tumapos ng 12  puntos para sa Mavs na umangat sa ika-anim na puwesto  (27-25) sa Western Conference.

 Apat sa limang career 50-point games ni Doncic ay kanyang naitala ngayong season. Kumana siya ng career-best na 60 kontra sa New York Knicks sa isang laro na humantong sa overtime noong Disyembre 27.

Bumida naman sa Pistons (13-29) si Bojan Bogdanovic na may 29 puntos.

Binuksan ng Pistons ang second half sa pamamagitan ng 9-2 run para itarak ang 11-point lead.

Mula sa 74-63 abante ng Pistons, kumayod si Doncic para ilapit ang Mavs sa 76-72, may 4:12 na lang sa naturang yugto.

Ang dunk ni Doncic sa huling 3:58 ang naglayo sa Mavs sa 103-98 bago sinundan ng step-back jumper sa huling 2:10 minuto ang naglagay sa Dallas sa kampanteng 107-105 kalamangan.

Sa Oklahoma City, nagposte si Stephen Curry ng 38 puntos tampok ang walong tres, 12 assists at walong rebounds para buhatin ang nagdedepensang NBA champion Golden State Warriors sa 129-120 panalo laban sa Thunder.

Sa iba pang resulta, itinumba ng Phoenix Suns ang Toronto Raptors, 114-106 habang pinagulong ng Brooklyn Nets ang Los Angeles Lakers, 121-104 kung saan hindi naglaro sina LeBron James at Anthony Davis na may injury.

 

vuukle comment

LUKA DONCIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with