Bachmann tutok sa ikabubuti ng atleta
MANILA, Philippines — Walang ibang nasa kukote ni Philippine Sports Commission, (PSC) chairman Richard Bachmann kundi ang ikabubuti ng mga atleta.
Tututok si Bachmann sa pangangailangan ng mga atleta at nais nito na mapabuti at maayos na pagandahin ang Philippine sports.
“My focus will be on the athletes and make sure their needs are taken care of. I’m not thinking of how many medals or how well we will do,” ani Bachmann kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.
Isang buwan pagkatapos upuan ang pagiging chairman ni former PBA player at executive, Bachmann, nilibot na nito ang training facilities ng national athletes sa Nasugbu, Batangas at sa Baguio City.
“Just make it simple. Focus on the athletes and their concerns and nothing else. Right now I’m focused on fixing everything. If I help the athletes, then everything will follow,” ani Bachmann.
Ayon pa sa dating La Salle Green Archer sisiguruhin din nito na mabibisita niya ang mga atleta para siya mismo ang makaalam kung ano ang mga kailangan nila habang sila ay nag e-ensayo at tumitira sa kanilang quarters.
“I told myself I will be going around to see them. They will not come to me. I will go to them,” pahayag ni Bachmann.
Titiyakin din ni Bachmann na hindi magkakaroon ng delay sa monthly allowances ng mga atleta kasama ang pagkain, vitamins, uniforms at ibang kailangan sa trainings.
Bukod sa mga atleta, coaches, isa sa mga bibigyan din ng atensyon ang kanyang mga makakasama sa trabaho at mga empleyado.
- Latest