^

PM Sports

Abarrientos magmumulta ng P10K

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagtamo ng P10,000 na multa si Magnolia assistant coach Johnny Abarrientos  dahil sa ‘obscene gesture’ sa laban nila kontra sa Converge kamakalawa ng gabi sa 2023 PBA Governors’ Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Sa mga larawan at video sa TV broadcast ay nakitang nag-middle finger si Abarrientos bilang sagot aniya sa pangangan­tsaw ni FiberXers import Jamaal Franklin matapos ang krusyal na tres nito.

Nagbuslo ng pambaong tres si Franklin sa huling 1:04 ng laban para itulak sa 111-105 abante ang FiberXers at pagkatapos ay inalaska ang bench ng Hotshots.

Talo ang Magnolia sa naturang laban, 111-109, bilang debut game nito sa season-ending confe­rence.

Humingi na ng paumanhin si Abarrientos sa hindi angkop na asal bilang assistant coach ng  professional league tulad ng PBA.

May alyas na “F­lying A”,  dating MVP si Abar­rientos na miyembro din ng 40 PBA Greatest Pla­yers tampok ang 12 kampeonato bago tumuloy bilang assistant coach.

Bilang deputy mentor noon pang 2007, nagwagi na siya ng 6 na titulo sa PBA at 1 sa UAAP para sa FEU, kung saan siya nagsimulang umukit ng pangalan noong 1990s.

 

vuukle comment

JOHNNY ABARRIENTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with