Obiena lumundag ng ginto sa France

Ernest John O­biena

MANILA, Philippines — Tuloy ang mainit na ratsada ni Asian record holder Ernest John O­biena matapos lundagin ang gintong medalya sa Perche En Or men’s pole vault competition sa Roubaix, France.

Itinarak ni Obiena ang matikas na 5.82 metro para masiguro ang unang puwesto sa naturang event.

Tinangka ni Obiena na makuha ang 5.90 metro subalit bigo ito sa kanyang pagtatangka.

Tinalo ni Obiena si Yao Jie ng China na nagrehistro ng 5.75 metro na nagkasya lamang sa pilak na medalya.

Nasiguro naman ni Ethan Cormont ng France ang tanso bunsod ng naitala nitong 5.56 metro.

Ito ang ikalawang me­dalya ni Obiena sa taong ito.

Una nang nakahirit ng pilak si Obiena sa International Jump Meeting sa Cottbus, Germany kung saan nakapagtala ito ng 5.77 metro.

Nanguna sa naturang event si Sam Kendricks ng Amerika na nagtala ng dikit na 5.82 metro.

Nakalinya pa ang ilang malalaking torneong lalahukan ni Obiena sa taong ito upang mas lalong tumaas ang kanyang kumpiyansa.

Kabilang sa mga lalahukan ni Obiena ang World Championships na gaganapin sa Budapest Hungary.

Dedepensahan din ni Obiena ang korona nito sa 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia sa Mayo.

Show comments