^

PM Sports

Kampante ang record ni Don Ramon

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Base sa kasalukuyang average ni LeBron James na 30.2 points per game, tinatantiya na lalapagpasan na niya ang all-time scoring record na hawak ni Ka­reem Abdul-Jabbar (38,387) pagpasok ng ng Pebrero.

Pagkatapos kumana ng 46 points kontra LA Clippers noong Miyerkules (Manila time), 178 points ang natirang kailangang ikamada ni LeBron para tuluyang maangkin ang marka.

Walang nakikitang aawat pa sa pagtuntong ni Le­Bron sa kaitaasan ng scoring list, puwera na lang kung may mangyayaring hindi inaasahan na magpapatigil sa paglalaro ng LA Lakers superstar.

Sa PBA, kampanteng-kampante sa pamamahinga ang record ni Ramon Fernandez (18,996).

Mukhang maski ang mga sumusunod na marka na hawak nina Abet Guidaben (15,775), Alvin Patrimonio (15,091), Atoy Co (12,994) at Nelson Asaytono (12,268) eh mahirap basagin.

Sina James Yap at Arwind Santos ang mga nasa itaas sa scoring ladder sa mga aktibong PBA pla­yers.

Pero sa kanilang edad, mukhang malabong mapasok nila ang Top Five all-time sco­ring leaders, lalung-lalo na nga na maging threat sa record ni Don Ramon.

Mas lalong super la­yo ng record nina Fer­nan­dez, Guidaben at Co kung idadagdag ang mga puntos na kinama­da nila ng kanilang pag­lalaro sa MICAA.

Lintek ang mga nu­me­ro ng mga Crispa at Toyota stars dahil nga do­minado nila ang mga unang panahon ng PBA.

Maaaring threat si June Mar Fajardo kung makakapagdomina rin siya sa kagayang ha­ba ng paglalaro nina Fer­nan­dez (20 seasons) at Guidaben (21).

vuukle comment

LEBRON JAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with