^

PM Sports

PBA pinarangalan

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bilang pinaka-unang torneo sa bansa na nagbalik-aksyon sa gitna ng pandemya, kinilala ang Philippine Basketball Association (PBA) sa Philippine Sports Tourism Awards sa pamilyar na Quest Hotel sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Hinirang na Sports Tourism Tournament of the Year ang PBA matapos magbigay-daan sa Philippine sports noong 2020 nang idaos nito ang makasaysayang 2020 Phi­lippine Cup sa loob ng Clark bubble.

Iyon ang naging ka­una-unahang sporting event sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic na nagresulta sa matagumpay at ligtas na pagdaraos sa pangunguna ni PBA Commissioner Willie Marcial.

Mismong si Marcial ang tumanggap ng para­ngal mula kay Philippine Sports Tourism Awards founder and chairman Charles Lim sa Quest Hotel, kung saan ginanap ang PBA Bubble noon.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with