^

PM Sports

Mitchell sinapawan si James

Pang-masa

CLEVELAND — Sinapawan ni Donovan Mitchell ang kanyang idolong si LeBron James matapos banderahan ang Cavaliers sa 116-102 paggupo sa Los Angeles La­kers.

Humataw si Mit­chell ng season-high na 43 points, habang may 24 markers si Jarrett Allen para sa 16-9 baraha ng Cleveland at diniskaril ang pagbisita ni James sa kanyang tahanan ngayong season.

Tumapos si James na may 21 points at 17 rebounds para sa 10-13 marka ng Los Angeles na nakakuha kina Dennis Schroder at Russell Westbrook ng tig-16 points.

Kumamada si Mitchell ng 29 points sa second half para tulungan ang Cavaliers na maitayo ang 12-point lead sa fourth quarter.

Sa Miami, humugot si Bojan Bogdanovic ng 28 sa kanyang 31 points sa second half at may 18 markers si Alec Burks para pamunuan ang Detroit Pistons (7-19) sa 116-96 pagkaldag sa Heat (11-14).

Sa Denver, nagposte si Luka Doncic ng triple-double na 22 points, 12 assists at 10 rebounds para pangunahan ang Dallas Mavericks (13-11) sa 116-115 paglusot sa Nuggets (14-10).

DONOVAN MITCHELL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with