^

PM Sports

Fighting Maroons-Blue Eagles sa UAAP Finale?

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatangkain ng reigning champion UP Fighting Maroons na maipagpag ang NU Bulldogs sa pagsisimula ng UAAP Season 85 men’s basketball tournament Final Four sa Smart Araneta Coliseum upang makalapit sa mis­yong madepensahan ang korona nito.

Nakatakda ang banggaan sa alas-2 ng hapon bilang pambugad ng umaatikabong Final Four kasunod ang laban ng A­teneo at Adamson sa alas-6 ng gabi.

Sa alas-11 ng umaga, sisiklab naman ang sagupaan ng six-time reiging champion NU Lady Bulldogs at La Salle Lady Archers para sa kam­peonato ng UAAP women’s basketball.

Pero ang hamon at a­tensyon ng lahat ay nasa Diliman-based squad, na inaasahang masusubukan nang husto kontra sa palabang NU team.

Hawak ang unbeaten streak noong first round, nadale ang Fighting Maroons ng kagat ng Lady Bulldogs para sa unang talo nito, 80-75, bago na­kabawi sa 75-63 panalo sa second round.

At bagamat nahulog nang bahagya sa ikala­wang puwesto matapos manguna sa halos kabuuang ng eliminations, hawak pa rin ng UP ang bentahe kontra sa NU dahil sa twice-to-beat advantage nito.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with