^

PM Sports

La Trouppei sinisiw ang kalaban sa Juvenile Stakes Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nilampaso ng La Trouppei ang mga katunggali para sungkitin ang titulo sa PHILRACOM “2nd Leg Juvenile Stakes Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Batangas noong Linggo ng hapon.

Napabilib ng La Trouppei ang mga panatiko nito dahil sa ipinakita nitong husay sa pagtakbo kung saan ay nakipagtagisan ito ng bilis sa rektahan.

Bakbakan sa unahan ang Istulen Ola at Secretary, nakatutok sa tersero ang Jaguar habang nanonood sa bandang likuran ang La Trouppei.

Pagsapit ng far turn ay nakisali na sa unahan ang Jaguar at La Trouppei dahilan para maghiyawan ang mga kareristang sumaksi ng live sa karerahan.

Mainit ang naging labanan sa huling 150 metro ng karera kaya halos leeg lang ang pagitan ng panalo ng La Trouppei sa Jaguar.

Sinakyan ni jockey Kelvin Abobo ang La Trouppei para irehistro ang tiyempong 1:25 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner ang P1,080,000 premyo.

Dumating na segundo ang Jaguar, nasungkit nito ang P360,000 habang napunta sa third placer na Istulen Ola ang P180,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Pang-apat ang Gintong Hari na nag-uwi ng P90,000 habang P54,000 ang sinikwat ng fifth placer na Earli Boating.

PHILRACOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with