^

PM Sports

Simons, Blazers hiniya ang Jazz

Pang-masa
Simons, Blazers hiniya ang Jazz
Hinabol ni Jazz star Jordan Clarkson si Anfernee Simons ng Blazers.

SALT LAKE CITY — Komunekta si Anfernee Simons ng career-high na 45 puntos tampok ang pagharang sa isang potensyal na 3-pointer may 4.6 segundo ang natitira para akayin ang Portland Trail Blazers sa 116-111 panalo kontra sa Utah Jazz.

“I wanted to be aggressive and set the tone for my teammates,” ani Simons. “Early on, let them know that we are in this game and I’m going to do whatever it takes for us to win it.”

Angat ang Jazz sa 111-110 matapos ang twisting jumper ni Kelly Olynyk, pagkatapos nito, nagkaroon ang koponan ng tsansa na maitabla ang iskor sa 114, ngunit naharang ni Simons ang bola mula kay Jordan Clarkson mula sa kanyang tangkang tres.

Sa San Francisco, pumukol si Andrew Wiggins ng season best na 36 puntos para itabla ang kanyang career high na may walang 3-pointers sa pagbandera nito sa Golden State Warriors sa 120-101 pagpapasabog sa Houston Rockets.

Isinalpak ni Wiggins ang magkasunod na 3s sa kalagitnaan ng third quarter na nagdala sa Warriors sa ika-10 sunod na panalo sa kanilang tahanan.

Ang Golden State ang ikalawang koponan sa kasaysayan ng NBA na gumawa ng 20 3-pointers sa limang laro.

Sa Los Angeles, pinataob ng Dallas Mavericks ang New York Knicks, 121-100.

ANFERNEE SIMONS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with