^

PM Sports

Mayor Biazon Swim Cup nagtala ng kasaysayan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Higit sa 1,200 swimmers ang mag-aagawan sa karangalan sa 1st Mayor Ruffy Biazon Swim Cup sa Disyembre 3 sa Muntinlupa Aquatic Center sa Muntinlupa City.

Ayon sa nag-oorganisang Swim League Philippines (SLP) na pinamumunuan ni Fred Ancheta, pinagbigyan nila ang kahi­lingan ng mga swim clubs na palawigin ang pagpaparehistro ng mga lahok.

“We’re grateful with Mayor Ruffy Biazon for hosting this event,” ani Ancheta. “Sa kasabikan ng mga swimmers, coaches at mga magulang na maging bahagi nitong makasaysa­yang pagbubukas ng world-class swimming pool sa Muntinlupa, ang bilang ng mga kalahok ay umabot ng higit sa aming inaasahan.”

Inimbitahan sina national junior record holder at national mainstays Micaela Jasmine ‘Water Beast’ Mojdeh at Jamesrey Ajido para magbigay ng inspirational messages sa mga batang manlalangoy.

Ang Muntinlupa Aqua­tic Center, may modernong kagamitan na angkop sa FINA world standard, ang magiging sentro ng mga kompetis­yon sa siyudad.

Inaasahang lalagdaan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa Office of the Mayor para ga­wing opisyal nang tahanan ng mga SLP swimmers at mga clubs at organization ang naturang Aquatic Center.

Sa mga gustong luma­ngoy sa Muntinlupa  Aqua­tic Center ay maaaring sumali sa The Holiday Swim Cup sa Dec. 10.

vuukle comment

RUFFY BIAZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with